
Ito ang NASCAR garage na pinuntahan namin noong taong 2004. Wala talaga sa plano namin ang magpunta dito, pero dahil papunta naman kaming North Carolina na tinaguriann NASCAR Capital, napagdesisyunan namin na mag side trip sa Museum/Garage na ito kung saan inaayos muna ang mga makina ng kotseng pangkarera bago dalhin sa racetrack.


Minsan na rin akong nakapanood ng NASCAR live race at talaga namang super ingay ang mga makina ng sasakyang ito at kinakailangan mo pang maglagay ng earbuds kung hindi ka sanay.











