Project 92/354 &LP#75:FreeStyle

Author: Willa  //  Category: Canon 450D, Litratong Pinoy, Project 365

Project #92

Sa lahat ng theme ng kahit anong photo meme, ito lagi ang pinakamahirap para sa akin, hindi dahil sa marami akong magagandang litrato na gusto ipakita, kung hindi dahil sa marami akong paborito.Kaya pagkatapos ng mahabang pag mumuni-muni kung ano ang ilalahok ko ngayon, ito na lang ang pinili ko.

Niagara Falls

Sa iba sa inyo, malamang nakita nyo na ito for the nth time, eh since ito ang pinakapaborito ko,ito pa rin ang naisipan ko ilahok kasi hindi ako nagsasawa kahit araw araw ko makita ang litrato na ito,kaya nga excited ako sa darating na Summer kasi balak namin bumalik sa lugar na ito at sana ay matuloy kami.

Happy 3rd Anniversary  sa Litratong Pinoy.

Ako ay talagang natutuwa at ako ay bahagi ng grupong ito.